15 Intsik, 2 Pinoy, Kalaboso sa Pagmimina

LABING-LIMANG CHINESE nationals at dalawang Pilipino ang inaresto kamakalawa ng gabi nang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 2 at PNP Aparri dahil sa patuloy na pagmimina ng itim na buhangin sa Barangay Dodan sa Tuguegarao City.

Ayon kay Police C/Insp Romar Pacis, hepe ng PNP Aparri, isinagawa nila ang naturang operasyon matapos na makatanggap ng impormasyon na patuloy ang pagmimina ng mga banyaga sa kabila ng stoppage order ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at Mines and Geosciences Bureau (MGB-2) sa kanilang pagmimina.

Sinabi ni Pacis na nasa kostodiya na ng NBI Region 2 ang naturang mga dayuhan maging ang dalawang Pinoy para isailalim sa interogasyon at alamin ang kanilang pagkakakilanlan.

Ang dalawang Pinoy ay nagsisilbing driver umano ng mga dayuhan sa mga dumptruck ng mga ito kung saan dito naman isinasakay ang mga nahuhukay na black sand o itim na buhangin.

Samantala, una nang naglabas ng stoppage order ang pamahalaang panlalawigan at MGB sa lahat ng pagmimina sa lalawigan bunga na rin ng mga natukoy na mga paglabag sa operasyon ng pagmimina lalo na sa mga coastal towns ng lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.