15, Dakip sa Raid sa Shabu Tiangge sa Laguna

ARESTADO ANG 15 indibidwal sa isinagawang raid sa hinihinalang Shabu tiangge sa San Pablo City, Laguna.

Sinalakay ng mga tauhan ng Laguna Provincial Police Office ang bahay nina Sonny Jardilla at isang alyas Justin sa Sitio Kuligligan, Barangay Bagumbayan dakong alas-5:00 kahapon ng madaling-araw.

Kapwa nadakip ang dalawa at 13 iba pa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Magdalena at Majayjay Municipal Trial Courts.

Sinabi ni Laguna Police Director Sr. Supt Pascual Muñoz na matagal nang tinitiktikan ng mga operatiba ng Laguna Police Intelligence Group ang nasabing lugar na itinuturing na isa sa pinakamalaking Shabu tiangge sa lungsod.

Maaalala na noon lang Abril 25, sinalakay ng pulisya ang ilang bahay sa Sitio Trianggulo, Barangay 2A at 2B na umano’y Shabu tiangge rin at nakaaresto ng 29 indibidwal.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.