15 Bebot, Nailigtas sa Cybersex Den; Australyano, Arestado

UMABOT SA 15 babae na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking ang na-rescue sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI-7) sa isang cybersex den na nasa E. Lopez, Barangay Labangon, Cebu City.

Sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 9 Judge Alexander Acosta, pinasok ng mga kinauukulan ang nasabing  lugar kung saan nahuli ang suspek na isang Australian national na nakilalang si Drew Shobbrook.

Nakumpiska rin sa nasabing operasyon ang isang camera, dalawang motorsiklo, 24 na laptops, assorted tablets, ilang cellphones at isang .45 pistol na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng dayuhan.

Samantala, napag-a-laman din na apat sa mga na-rescue ay mga menor de edad na pawang ginagamit umano ng nabanggit na dayuhan sa cybersex.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.