15-Anyos, Utas sa Cellphone

 

PINAGBABARIL ANG isang 15-anyos na lalaki ng kanyang pinsan matapos pagbintangang nagnakaw ng cellphone sa Barangay Madupayas sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakailan.

Kinilala ni P/Senior Insp. Laurel Gayya ang biktima na si Raymart delos Santos habang nakatakas naman ang salarin na si Charles Almazan, 34, kapwa  nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na nagbanta ang suspek sa kanyang pinsan na papatayin ito kapag hindi inilabas ang kanyang nawawalang cellphone.

Binalewala naman ng biktima ang pagbabanta ng pinsan saka natulog sa kanyang silid.

Dito na pinasok ng suspek ang natutulog na biktima saka pinaulanan ng bala hanggang sa mapaslang ito gamit ang cal. 30 Carbine. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.