15-Anyos, Nireyp ng 14-Anyos na Kaklase

ISANG 15-ANYOS na high school student ang hinalay umano ng kanyang kaklase sa loob ng CR sa kanilang eskuwelahan sa Victorias City, Negros Occidental, Huwebes ng hapon.

Agad namang isinuplong ng nasabing biktima ang pangyayari sa mga awtoridad.

Isinumbong din niya ito sa kanilang guro na agad namang ipinatawag ng principal ang salarin na estudyante.

Sinabi ng biktima na nakainom ang 14-anyos na salarin nang mangyari ang panggagahasa.

I-tinurn-over na sa pulis ang naturang binatilyo. Gayunman, hindi pa tiyak ang kasong isasampa sa suspek dahil menor-de-edad pa ito.

Base sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act (RA) 9344, ang mga menor-de-edad o mga batang may edad 15-anyos pababa ay hindi masasakdal sa nagawang krimen.

Ikinagalit naman ng ama ng biktima ang nasabing batas kaya nananawagan siya sa government officials na ibahin ang batas at magkaroon ng hustiya sa mga nabibiktima ng mga menor-de-edad.

Samantala, nanawagan naman ang mga kinauukulan sa eskwelahan na bantayan at huwag nang maulit ang nasabing insidente sa kanilang mga estudyante.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.