15-anyos, ni-rape ng textmate

GALIT NA sumugod sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng isang second year high school student na umano’y biktima ng panghahalay ng kanyang textmate sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte City sa Bulacan upang ipagharap ng reklamo.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP Provincial Director Joel Orduña, kinilala ang nadakip na suspek na si Danny Boy Eligin Y Cabangon, alayas Jhay-Jhay, 32 anyos, binata, tubong Nueva Viscaya, residente ng Blk-8, Lot-15, Phase-D, Francisco Homes sa nabangit na barangay; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Joyce.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang panghahalay sa biktima.

Ayon sa biktima,halos dalawang buwan pa lamang silang mag-textmate ng suspek, kung saan niyaya umano siya ng binata na magkita sa isang lugar at ibibigay niya dito ang regalo sa textmate.

Dahil sa tiwala naman ito sa suspek bagama’t exited sila sa unang pagkikita, pinaunlakan niya ito. Subalit pagdating niya sa lugar, agad siyang sinabisib ng halik at agad na dinala sa madawag na lugar ng sagingan at doo’y sa-pilitan siyang hinubaran ng suspek at pilit na ipinasok ang ari.

Nagawa pa aniyang magpumiglas kasaba’y ng pagmamaka-awa, mistulang bingi ang suspek at sa halip,hindi siya nito pinansin kung saan pinagbantaan pa siya nito na ‘wag magsusumbong kahit na kanino.

Samantala kasong Rape in relation to R.A. 7610 ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa San Jose del Monte City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.