15-Anyos na dalagita, ginahasa ng stepdad

SWAK SA KULUNGAN ang isang 39-anyos na mister matapos nitong gahasain ang 15-anyos na stepdaughter kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City police at nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si Roger Bangero, 30, ng Nadurata St., 3rd Ave., Caloocan City.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCPD) Caloocan police, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon kay Joan (di-tunay na pangalan), 15, himbing siyang natutulog sa kanyang silid sa loob ng kanilang bahay nang maramdaman nito na may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang harapan at nang imulat nito ang kanyang mga mata ay nakita niya ang kanyang amain.

“Tinakpan po niya ang bibig ko at sinabihan na ‘wag raw po akong mai-ngay at magsumbong sa mama ko, kung hindi may mangyaring masama sa amin,” ani pa ni Joan.

Subalit hindi nakatiis ang biktima nang pagalitan siya ng suspek at isinumbong nito sa ina ang kahalayang ginawa sa kanya ng kinikilalang ama (suspek).

Hindi man makapaniwala ang ina ni Joan sa narinig mula sa anak, nangingibabaw pa rin ang pagiging ina nito na

naging dahilan upang i-padakip sa mga barangay tanod ang suspek.

Sa himpilan ng pulisya, itinanggi ng suspek ang nasabing insidente at sinabi nitong nag-away lamang sila ng biktima dahil sa paglalaba. Hindi pa rin ito umubra sa piskalya at tinuluyang sinampahan ng naturang kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Comments are closed.