15-anyos na Dalagita, Dinalirot ng Binatang Manyak

UMIIYAK NA dumulog sa himpilan ng pulisya ang 15-anyos na dalagita kasama ang kanyang kapatid matapos na halayin umano ng isang  binata sa isang bakanteng lote sa Purok 5, Brgy. Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan.

Kinilala ang biktimang itinago sa pa-ngalang ‘Rhoda’, high school student; habang nakilala naman mga suspek na si Nestor Morales, 20 anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, isinalaysay umano ng biktima na habang papunta ito sa isang tindahan ay bigla na lamang siyang nilapitan ng suspek at kinaladkad siya sa isang bakanteng lote.

Dito’y inumpisahan siyang yakapin at halikan ng suspek at nang hindi pa nasiyahan ay ipinasok ng suspek ang daliri nito sa ari ng biktima.

Matapos ito’y  agad tumakas subalit agad na nagsumbong ang biktima sa kanyang kapatid kaya nagdesisyon na humingi ng tulong sa pulisya. Kung saan agad namang naaresto ang suspek sa isang follow-up operation.

Samantala, Rape in relation to RA 7610 ang kasong kahaharapin ng suspek na kasalukuyang nakakulong  sa Hagonoy Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.