15-anyos na apo, binuntis ni lolo

ANIM NA taong mala-impiyernong buhay ang inabot ng isang 15-anyos na dalagita matapos itong gawing “sex slave” at buntisin ng kanyang sariling lolo.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Joel Estaris kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, dumulog sa himpilan ng pulisya ang ina kasama ang biktima na itinago sa pangalang Dory, 15 anyos, residente ng San Isidro, San Jose del Monte City, Bulacan upang pormal na sampahan ng kaso si Lolo Alfonso Macatangay, 84 anyos, residente rin ng nabanggit na barangay.

Base sa sinumpaang salaysay ng biktima, nangyari umano ang unang panggagahasa sa kanya ng kanyang ng lolo nu’ng taong 2007 sa tuwing nakikitulog sa kanyang kuwarto ang matanda.

Taong 2012 nang masundan uli ito at nu’ng March 2013 ay muli siyang ginalaw ng matanda.

Ayon kay SPO2 Marissa Rosero may hawak ng kaso, kasalukuyang siyam na buwang buntis ang biktima.

Samantala detenido ngayon ang matanda sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

 (TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.