15-Anyos, Dinukot at Dinonselya, ng Manyak na Binata

MAKALIPAS ANG tatlong araw na paghahanap,natagpuan na ng kanyang mga magulang ang 15-anyos nitong anak na umano’y dinukot ng manyakis na binata sa Brgy. FVR,  Norzagaray,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rogenald Francisco kay PNP Provincial Director P/ Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Marvin Estrimos Y Bacalzo 19 anyos, residente sa nabanggit na barangay. Samantalang ang biktima ay itinago sa pangalang Kiray Grade-6 student sa nabanggit na lugar.

Base  sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2 ng hapon nang ma-rescue ang biktma mula sa tahanan ng suspek sa tulong ng hepe ng barangay tanod na si Cesario Piltao.

Nabatid sa mga magulang ng dalagita na tatlong araw na nawala ang kanilang anak, kung saan una nang itinanong sa suspek kung nakita nito ang nawawalang anak. Sagot ng suspek, hindi niya ito nakikita o ikinaila na kasama nito ang dalagita.

Ayon naman sa biktima, Hulyo 23 nang pagsamantalahan siya ng suspek.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa Norzagaray Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Consented Abduction, Rape at paglabag sa Republic Act 7610.        (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.