15-0 Victory sa Navotas, Nakuha ng Partido Navoteño

IPRINOKLAMA NA ang pagkapanalo ng 15 kandidato mula sa Partido Navoteño-UNA Coalition na pinangungunahan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco kamakalawa ng umaga.

Sa unang pagkakataon, nakuha ng nasabing partido ang lahat ng posisyon para sa congressman, mayor, vice-mayor at 12 upuan para sa konsehal ng District 1 at 2 ng lungsod.

Noong 2004 at 2007 elections, 1 konsehal ang hindi pinalad makapasok habang noong 2010 elections naman ay 3 ang hindi pinalad.

Landslide victory na maituturing ang pagkapanalo ng mga kandidato mula congressman hanggang mga konsehal ngayong 2013 elections.

Si re-electionist Congressman Toby Tiangco na siya ring campaign manager ng United Nationalist Alliance (UNA) ay muling naihalal sa pamamagitan ng 69,107 votes kumapara sa katunggali nito na former BIR lawyer Rico Jose “Icoy” De Guzman na nakakukha ng 17, 042 votes.

Muli ring nakuha ni Mayor John Rey Tiangco ang mayoral seat sa pamamagitan ng 60,277 votes. Ang da-ting kakampi at incumbent vice-mayor ng lungsod na si Patrick Joseph Javier ay nakakuha ng 29,387 votes.

Samantala, ang incumbent councilor Clint Nicolas Geronimo ang papalit bilang vice-mayor ng lungsod na nakuha ang posisyon sa 53,239 votes laban sa 32,951 votes ng incumbent councilor na si Ma. Elsa Bautista.

Ang Sangguniang Panlungsod ay bubuuin din ng 12 kandidato mula sa Partido Navoteño – UNA Coalition.

Isang thanksgiving mass ang inorganisa ng lokal na partido na isinagawa sa Navotas City Hall Ground bilang pasasalamat sa Diyos at suporta ng mga mamamamayan.

Sa isang maikling mensahe matapos ang misa, ipinahayag ni Cong. Toby at Mayor John Rey Tiangco na susuklian nila ng mas masigasig pang pagseserbisyo-publiko ang buong tiwalang ibinigay ng mamamayan ng Navotas sa kanilang partido at mga kasangga sa paglilingkod.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.