148 Kabataang Navoteño, Nagtapos Sa Kindergarten On Wheels

UMABOT SA 148 Kabataang Navoteño ang nagsipagtapos sa ilalim ng Kindergarten on Wheels (KOW) Program ng Navotas City Government noong nakaraan Mayo 31, na pinagtibay nina Mayor John Rey Tiangco at Ms. Jennifer Serrano, Navotas Acting City Social Welfare Development Officer.

Ang mga kabataang nagtapos sa nasabing programa ay maaari nang pumasa at pumasok bilang opisyal na Grade I pupil sa anumang mababang paaaralan sa darating pasukan ngayong Hunyo matapos sumailim sa libreng alternative learning program for kindergarten ng Navotas local government unit na accredited ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Mayor Tiangco, “Ang 8 linggong curriculum na itinuturo sa mga kabataang nagpalista sa programa ay ang pinaiksing curriculum ng DepEd para sa regular na Kindergarten classes.”

Ito na ang pangalawang batch ng KOW simula nang ito ay ilunsad noong nakaraang taon na may pangunahing layunin na “bigyan ng libreng edukasyon at suportahan ang mga pangarap ng bawat Navoteño na makapag-aral bilang susi ng kanilang tagumpay sa buhay o pag-asenso,” ani  Tiangco.

“Mas maiging mas bata ay mamulat na at masanay ang mga kabataan sa kahalagahan ng pag-aaral o edukasyon,” dagdag pa ni Tiangco.

Binati rin ni Mayor Tiangco ang mga magulang ng mga nagsipagtapos at sa suportang ibi-nibigay nila sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Tumatanggap na rin muli at handa nang umikot ang apat (4) na KOW mobiles sa iba’t ibang barangay sa lungsod upang makapagbigay ng libreng edukasyon sa mas marami pang kabataang Navoteño.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.