146, Arestado sa Gun Ban

UMABOT NA SA 146 ang bilang ng mga naaresto sa paglabag sa gun ban kaugnay ng Barangay at SK election na gaganapin sa Oktubre 25, ayon sa Philippine National Police noong Sabado.

Ayon pa kay PNP spokesman Senior Superintendent Agrimero Cruz, 131 sibiliyan, apat na pulis, dalawang sundalo at siyam na empleyado ng gobyerno ang naaresto simula nang ipatupad ng PNP ang gun ban noong Setyembre 25.

Sa kabuuan, sinabi ni Cruz na 127 baril at iba pang deadly wepon ang nakumpiska. Nakapumiska rin ang kapulisan ng dalawang air gun, 23 patalim at tatlong granada.

Sinabi pa ni Cruz na haharap sa mga imbestigasyon at posibleng sampahan ng kaso kaugnay ng paglabag sa Omnibus Election Code ang mga naaresto.

Ayon pa sa kanya, nakapagtalaga na rin ang PNP ng 10,676 checkpoint sa buong bansa simula nang ipatupad ang gun ban.

Bilang pagtugon sa kautusan mula sa Commission on Elections, sinuspinde ng PNP ang permit to carry firearms sa labas ng tahanan ng sibilyang nabigyan nito. Hindi pinapayagan ang pagdadala ng baril sa pampublikong lugar maliban sa mga pulis at sundalong naka-duty at nakasuot ng tamang uniporme. Magtatapos ang gun ban sa Nobyembre 10.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.