Angel Locsin, excited nang makasama sa serye ang KathNiel

MASAYANG ibinahagi ng actress na si Angel Locsin na makasasama niya ang young stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa serye ng Kapamilya Network na “La Luna Sangre”. Ito ay matapos malaman ni Angel na kabilang siya sa nasabing teleserye.

Angel Locsin (courtsey of Instagram: @ therealangellocsin)

Ang “La Luna Sangre” ay ang paparating na third installment ng hit fantasy franchise matapos ang “Lobo” at “Imortal” na pinagbidahan noon ng actress. 

Ayon kay Angel, nagawa na niya ang “Lobo” at “Imortal” at ngayon ay ipapasa na niya ang ‘legacy’.

Hindi naman sigurado ang actress kung mayroon siyang eksena kasama sina Kathryn at Daniel, ngunit masaya siya na makilala ang sikat na love team.

Aniya, “This is the first time and I am looking forward talaga. I don’t know kung may eksena kami. Mukhang wala yata, pero hindi ko alam kung magkakaroon kami ng opportunity to get to know each other kapag nasa set. I am not sure. Project naman nila ito.”

Kasabay nito, excited din si Angel na gawin ang nasabing serye dahil ito ay sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

“Isa siya sa pinakapaborito kong katrabaho. Sino bang naman ang tatanggi sa isang Direk Cathy,” dugtong pa niya.

Samantala, bukod sa “La Luna Sangre”, mayroon ding dalawang pelikula si Angel na maaaring aabangan ng kanyang mga tagahanga. Bagama’t hindi na niya talaga magagawa ang pelikulang “Darna”, naniniwla pa rin ang actress na makahahanap ang Star Cinema ng mas hihigit sa kanya para gumanap bilang Darna na una na niyang ginampanan sa telebisyon na nagbigay sa kanya ng magandang break. 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.