145 katao, biktima ni ‘Pedring’; pinsala, mahigit P6-B na

AABOT SA 145 katao ang biktima ng bagyong Pedring, kabilang dito 52 namatay, 63 sugatan at 30 iba pa ang patuloy na pinaghahanap, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management  Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Director Benito Ramos, pumalo pa sa P6,690,145,454.43, ang halaga ng pinsala ng naturang bagyo kasama na ang P1,041,670,857.81 sa infrastructure at P5,648,474,596.62 sa agriculture.

Habang 5,761 bahay ang nasira at 34,534 ang tuluyang sinira o 511,795 ang pamilyang apektado katumbas ng 2,418,976 katao ang apektado, mula ito sa 2,976 barangay, 289 munisipyo at 41 siyudad sa 34 probinsiyang binayo ni Pedring.

Aabot naman sa 35,242 pamilya o 162,084 katao ang nananatili sa 444 evacuation centers.

Ilan lamang sa ginawang mga evacuation center at ang mga paaralan mula Metro Manila na umabot

sa 13, 3 sa Cordillera, 5 sa Ilocos, 8 sa Cagayan Valley, 5 sa Central Luzon, 5 sa Southern Luzon at ang pinakamarami ay ang Bicol Region na mayroong 37 na paaralang ginawang evacuation center.

Hindi naman madaanan ang 62 kalsada at tulay dahil sa landslide, nasira at baha, ilan lamang dito ang 2 tulay mula sa Ilocos, 18 sa Cagayan Valley, 21 sa Central Luzon at 21 sa Cordillera.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.