141 Pamilya Apektado ng Lindol sa North Cotabato – NDRRMC

UMABOT SA 141 bahay ang napinsala sa naganap na magnitude 5.7 na lindol sa Carmen, North Cotabato.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot sa 95 ang nasirang bahay mula sa Barangay Kabudtungan at nasa 46 sa Barangay Kimadzel, maliban pa ang apat na school buildings at tatlong simbahan.

Sa ngayon, dalawang tulay din ang nasira kabilang na rito ang nag-uugnay sa Cagayan-Bukidnon o Mutian Bridge at Upian habang maraming nagkabitak-bitak na lansangan.

Maaalala na umabot sa pito ang nasugatan, habang nasa 141 na pamilya ang naapektuhan.

Patuloy pa rin na nakakaramdam ng  malalakas na aftershocks ang North Cotabato.

Inaayudahan na rin ng lokal na pamahalaan ang mga biktima ng kalamidad.

Samantala, wala pang inisyal na halaga ng pinsala na inilabas ang NDRRMC, bagama’t unang lumabas ang report na nasa P63 mil-yon na ang halaga ng sinirang mga ari-arian dulot ng kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.