141 bank accounts ng Aman, pinapi-freeze

NAGLABAS NG panibagong freeze order ang Court of Appeals (CA) laban sa 141 pang mga bank accounts ng Aman Futures Group Philippines.

Kabilang sa sakop ng nasabing kautusan ang 79 na bank accounts na pag-aari ni Pagadian City Ma-yor Samuel Co at 29 na accounts ng ka-nyang maybahay.

Una nang nagpalabas ng freeze order ang CA sa accounts ng mga opisyal ng nasabing kumpanya na pinalawig hanggang Hunyo sa susunod na taon.

Umaabot naman sa 25 bangko na sakop ng unang inilabas na freeze order gaya ng Allied Bank, BDO, Bank of Commerce, BPI, China Banking Corp., Citibank, DBP, East West Bank, HSBC, LandBank, Maybank, Metrobank, PSB, RCBC, Standard Chartered, PNB, Union Bank at maraming iba pa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.