140 pari, umalma sa 4 sanitary landfill sa Bulacan

SAN MIGUEL, BULACAN – Tutol ang 140 pari at school leaders na pinamumunuan ni Rev. Fr. Edgardo de Jesus kaugnay sa patuloy na operasyon ng mga sanitary landfill sa lalawigan ng Bulacan.

Mariin ding tinutulan ni 3rd District Congressman Joselito “JonJon”Mendoza ang operasyon ng apat na sanitary landfill, partikular ang nakatayo na tapunan ng basura sa Norzagaray, Obando, San Jose del Monte at Doña Remedios Trinidad.

Ayon kay Cong. Mendoza, magpapatawag siya ng congressional inquiry upang malaman ang kakayahan nito at kung ligtas ba sa kalusugan ng mga residente na nasa paligid.

Aapila rin ang kongresista sa House Committe of Ecology and Natural Resources upang matukoy kung may nilabag ang mga operator nito, kasabay na nilagdaan ng mga nagkakaisang grupo ang statement of opposition.

Samantala, kinuwestiyun din ni DRT Mayor Ronaldo Flores, kung papaano naaprubahan ng Sangguniang Bayan ang planong pagtatayo ng sanitary landfill sa kanyang bayan.      (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.