14 Dakip sa Buy-Bust sa Taguig City

AABOT SA 14 ang inaresto ng mga alagad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Taguig City Police Anti-Illegal Drugs Special Task Force matapos ang raid sa hinihinalang drug den sa General Luna St., Brgy. Ususan sa Taguig City.

Sinabi ni Taguig Police Chief Sr. Supt. Arthur Felix Asis na kabilang sa mga natimbog ang dalawang target ng raid na sina Ronald Origel alyas “Tambe” at si Jun Guevera alyas “Nato”.

Isinagawa ang nasabing raid sa bisa ng warrant na nilagdaan ni Pasig City RTC brach152 Judge Danilo Cruz upang halughugin ang tig-dalawang palapag na bahay, na nasa drug watchlist.

Samantala, narekober din sa dalawang bahay ang ilang Shabu na nasa sachet at mga drug paraphernalia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.