14 college studes, na-trap sa Mt. Tarak

DAHIL SA bagyong Marce, hindi na nakausad pa at na-trap ang halos 14 na mountain climbers na estudyante ng Mapua Institute of Technology sa Mt. Tarak Ridge sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa ulat ng awtoridad nitong Oktubre 1 umano nagplanong umakyat ang mga estudyanteng sina Garnet Agustin, James Angeles, Eroy Angeles, Myron Baldivicio, Josel Roenafe, Jeo Galganac, Mar Magalong, John Manganil, Earl Molino, Karra Lopez, Kim Czar Lu, Bonn Perias, Bessy Villegas, at Jet Tabasa.

Nataranta ang grupo nang tumaas ang ilog sa Papaya River kung kaya’t gamit ang cellphone ay sinikap nilang makahingi ng tulong sa mga awtoridad.

Nasagip naman ang mga biktima at pansamantalang pinatuloy sa barangay hall sa Brgy. Alas-asin upang isailalim sa debriefing at de-stress test bago pinayagang bumalik ng Maynila.

Tiniyak naman ng Mariveles Police na wala namang nasugatan o nasaktan sa mga ito at pawang nakauwi na rin.              (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.