14-Anyos, Na-Gang Rape ng 4 na Tambay

LUHAANG DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang 14-anyos na estudyante upang ipagharap ng reklamo ang apat na katao na umano’y halinhinang gumaha sa kanya kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. San Rafael 4, San Jose del Monte City sa Bulcan.

Sa ulat na ipinadala ni P/ Supt. Mark Rivero kay P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Reynaldo Tondo, 19; Jayrick Pony-Dig, 20; at Alvin Amogues, 23, habang nakatakas naman ang isang @ Toto, kapwa mga residente ng Phase 2 Area-H sa nabanggit na barangay. Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Hazel.

Base sa inisyal na im-

bestigasyon ng mga awtoridad, papauwi na ng kanilang bahay ang biktimang si Hazel kasama ang kanyang kaibigan.

Ayon sa dalagita, dumaan umano sila sa harap ng bahay ng isa sa mga suspek, kung saan tinawag umano siya ni Reynaldo kung saan pilit siyang pinapasok sa loob ng bahay nito dahil sa kakausapin aniya ito ng isa sa mga suspek, bagay na kanyang pinaunlakan dahil tiwala siya sa mga kapit-bahay.

Subalit laking gulat nito nang bigla na lamang siyang itinulak papasok sa loob ng kuwarto, at dito’y sapilitan siyang hinubaran habang binusalan ng damit ang kanyang bibig, habang hawak ng tatlo sa mga suspek ang kanyang kamay at paa, at unang gumahasa sa dalagita si Reynaldo, ang may-ari ng bahay,at makalipas ang ilang minuto, sumunod pa ang tatlo nitong kasama.

Samantala, sa isinagawang follow-up ng mga pulis at barangay tanod, agad ding nadakip ang mga suspek, habang pinaghahanap pa rin ang isa pa sa mga rapist. Kaugnay nito, detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose del Monte City Jail sa kasong Rape in relation to RA 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.