14-anyos na estudyante, ginahasa ng titser

SWAK SA KULUNGAN ang isang 51-anyos na guro sa pampublikong eskuwelahan matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanyang estudyante kagabi sa Caloocan City.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Rape in relation to R.A 7610 sa piskalya ng Caloocan City Prosecutor’s office ang suspek na si Daniel Griño, 51, may-asawa, teacher ng Talipapa National High School, ng Block 9-A, Lot. 4, Kingstown, Bagumbong, Caloocan City.

Sinamahan naman ng kanyang ina ang biktimang si Jopay (di-tunay na pangalan), 14, 3rd high school ng nasabing paaralan, ng Bagumbong, sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Base sa ulat ng WCPD-Caloocan Police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nabanggit na lugar.

“Niyaya po ako ng mga classmate ko na pumunta sa bahay ni Sir (suspek) at mag-iinuman daw po kami,” mangingiyak pang kuwento ni Jopay.

Pagdating sa bahay ng suspek ay nagsimulang mag-inuman ang biktima at mga classmate nito, ilang oras ang makalipas ay bigla na lamang nakaramdam ng pagkahilo si Jopay.

At nang mawalan na ito ng malay ay agad itong binuhat ng suspek at ipinasok sa kanyang  silid saka isinakatuparan ang makamundo nitong pagnanasa.

Nagising na lamang ang biktima na wala na siyang saplot sa katawan at nakaramdam ito ng kirot sa kanyang ari. Kumaripas itong bumangon at nag-ayos sa sarili saka umuwi sa kanilang bahay.

Umiiyak pa itong nagsumbong sa kanyang ina sa ginawa sa kanya ng suspek, dahilan upang himingi ang mga ito ng tulong sa barangay tanod na dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

Sa himpilan ng pulisya, halos hindi makapagsalita ang suspek at pinagsisihan nito ang kanyang ginawa. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “14-anyos na estudyante, ginahasa ng titser

Leave a Reply

Your email address will not be published.