14-Anyos na Buntis, Ginahasa

HINDI NAGING sagabal ang pagiging buntis ng isang 14-anyos matapos itong halayin ng 31-anyos na lalaki na factory worker sa Kalye Pogi, Brgy. Pulong Buhangin Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Edmar Trinidad, may-asawa, at residente ng Km. 39 ng naturang barangay.

Base sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Joyce, bandang ala-una ng hapon ng Biyernes habang naghuhugas siya ng plato ay dumating ang suspek at nakigamit ng palikuran nang walang paalam.

Nang lumabas ang supek sa loob ng banyo, bigla nitong hinawakan ang kamay ng biktima at hinila ito sa loob ng banyo.

Sinubukan pang manlaban ng biktima ngunit tinutukan ito ng ng dalang kutsilyo ng suspek sa leeg at tinakot na papatayin ‘pag gumawa ng ingay. Dito na sinamantala ng suspek na gahasain ang buntis na biktima.

Bago umalis ang supek ay tinakot pa nito ang biktima na masasaktan ‘pag may nakaalam ng pangyayari.

Nang dumating ang live-in partner ng biktima bandang alas-7 ng gabi, agad na ipinaalam nito ang nangyari kaya humingi ito ng tulong sa mga barangay tanod para madakip ang suspek.

Detenido ngayon ang suspek sa Sta. Maria Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA) 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.