14-anyos, Minanyak ng Kaibigan

MALAMIG NA rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang construction worker makaraang ireklamo ng panghahalay ng isang 14-anyos na dalagita sa Daang Bakal, Brgy. San Juan, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Fritz Macariola kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang suspek na si Ariel Tecson, 20 anyos, binata, at residente ng nabanggit na barangay. Samantala, ang biktima naman ay nakilala sa alyas na Analyn na isang high school student ng San Miguel High School.

Ayon sa salaysay ng biktima, kaibigan niya ang suspek dahil kapit-bahay niya ito, kung saan nag-text umano sa kanya si Tecson para dalhin ang gamit nito na gagamitin sa pag-apply ng trabaho sa Olongapo City.

Nang dumating sa bahay ng suspek ang bitkima, agad siyang hinawakan nito sa braso at kinaladkad papasok sa kuwarto nito at dito na naganap ang makamundo nitong pagnanasa.

Aniya, nakakuha lamang siya ng pagkakataon makatakas at agad na nagsumbong sa mga pulis dahilan upang agad ding ma-dakip ang manyak na kapit-bahay.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa San Miguel Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Rape in relation to RA 7610.

(TONY DELA PEÑA)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.