14-Anyos, Ginahasa ng Amain sa CDO

NAKAPIIT NA sa kulungan ang isang amain matapos itong arestuhin ng mga kinauukulan dahil sa umano’y panggagahasa sa kanyang 14-anyos na stepdaughter sa Cagayan de Oro City.

Ang biktima na nasa pangangalaga ngayon ng DSWD ay tinago sa pangalang Marie, na taga-Tulay Semento, Lapasan ng nasabing lungsod. Samantala ang salarin ay itinago naman sa pangalang Dongkie.

Inaresto ang suspek batay sa reklamo ng ilang concerned citizens matapos magsumbong sa kanyang mga kapit-bahay ang biktima.

Hindi na umano makayanan ng biktima ang ginagawang kababuyan sa kanya ng suspek kung kaya’t humingi na ito ng tulong sa kapit-bahay.

Samantala, inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.