14-Anyos, 2 Beses Hinalay ng Biyudong Lolo

KALABOSO ANG isang 73-anyos na lolo matapos siyang ireklamo ng panghahalay ng isang 14-anyos na dalagita sa bayan ng Diffun, Quirino.

Kinilala ang suspek na  si Benjamin Mendoza, magsasaka, biyudo, at residente ng Brgy. Balabag ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Diffun Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga nitong Pebrero 13, 2013, habang naglalaro ang biktimang si Gemma (hindi tunay na pangalan) sa barangay hall, bigla na lamang umanong dumating ang suspek at walang sabi-sabing sinabunutan at hinila-hila sa hindi malamang dahilan.

Bunsod nito’y agad na isinumbong ng biktima ang ginawang pang-aabuso ng suspek hanggang sa nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang magulang na siya ay ginahasa diumano ni Mendoza noong Enero 23 at Pebrero 2, 2013.

Agad namang inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong Rape in Relation to RA 7610, kung saan positibo ang dalagita sa ginagawang medical check-up ng doctor na siya ay biktima ng pang-aabuso.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.