13th Month ng Gov’t Employees, Ibibigay nang Maaga

PINAG-AARALAN NG Palasyo ang maagang pagpapalabas ng 13th month pay ng mga empleyado ng gobyerno na biktima ng mga kalamidad upang agad na magamit ang hinihintay nilang pera.

Sinabi ni Budget Sec. Florencio Abad na dati na itong ginawa sa mga biktima ng bagyong Ondoy noong 2009 kaya’t wala silang nakikitang problema kung gagawin ulit ito sa mga biktima ng malakas na lindol kamakailan at sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Noong 2009, inaprubahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang maagap na release ng kalahati ng 13-month pay ng mga state worker upang makatulong matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy.

Naunang inihayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na may ilang opisyal at government employees na nagpasyang i-donate na lamang ang kanilang bonus sa mga biktima ng kalamidad.

Samantala, sinabi ni Lacierda na ginagawa naman ito ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan nang hindi na kailangang ianunsyo upang makatulong sila sa biktima ng kalamidad tulad sa nakaraang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.