133 bugok na pulis, sinibak; 525 iba pa, kinastigo

AABOT SA 133 pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso ang sinibak sa nakalipas na anim na buwan habang 525 ang kinastigo bunsod ng administrative offenses.

Ayon kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo, bagaman marami ang kailangang pulis, hindi sila naghinayang na palayasin sa kanilang hanay ang mga pulis na napatunayang laging sangkot sa iregularidad.

“Just as we are responsive to the morale and welfare needs of police personnel, and quick to give due recognition for exemplary performance of duty, the PNP is also swift and decisive in addressing issues on misconduct and breach of discipline,” ayon kay Bacalzo.

Gayunman, ipinagmalaki ni Bacalzo na kaunting pulis lamang ang nasangkot sa administrative at criminal cases ngayong taon kum-para sa mga nakalipas na panahon.

Sa datos ng Discipline, Law and Order Division (DLOD) ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) mula December 1, 2010 hanggang May 31, 2011 ay may 133 pulis na tinanggal sa serbisyo dahil sa iba’t ibang grave misconduct, serious irregularities, at involvement in criminal activities.

Tiniyak naman ni Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr. spokesman ng PNP na kung may sinisibak at kinakastigo sila, mayroon namang napo-promote kung nagtatrabaho nang maayos.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.