1,300 Riders, Huli sa “No Helmet, No Travel Policy”

RIZAL – UMAABOT SA 1,300 na motorcycle riders ang nadakip at pinagmulta sa tatlong araw na pagpapairal ng “no helmet, no travel policy” ng Antipolo City.

Ayon kay Antipolo City Chief of Police P/Supt. Rodino Elfa, sinimulan nilang ipatupad ang kautusan matapos na magkabisa sa huling pagdinig ang City Ordinance # 05-98 na iniakda ni Coun. Dokdok Lawis.

Ayon pa kay Supt. Elfa, naging matagumpay ang kanilang operasyon matapos na ipag-utos ni Antipolo Mayor Atty. Danilo Leyble na walang paliligtasin sa nasabing ordinansa kahit na pulis o opisyal ng lungsod.

“Sabi kasi ni Mayor, walang sasantuhin, kaya hayun, marami kaming nahuli. Wala rin kaming tinatanggap na padrino o areglo, basta ‘pag walang helmet, titiketan,” ani Supt. Elfa.

Halos sa buong siyudad ay nagkalat ang mga enforcers at kapulisan para manghuli at maging ang naka-backriders na walang helmet ay hinuhuli rin.

Ang mga nahuli ay nagmulta ng halagang P1,500 kung saan ay magbabayad ang mga ito sa Treasurer’s Office sa city hall, habang ang mga walang lisensiya at rehistro ay naka-impound sa police headquarters.

Samantala, hinikayat naman ni Mayor Leyble ang mga tauhan ng city government na sa kanila magmula ang halimbawa at dapat na sumunod sa kautusan.

“Maraming kababayaban ang lumapit sa akin na humihiling na higpitan ang mga riders na walang helmet, kasi karamihan sa naaaksidente ay basag ang bungo, pero ang siko ay buo dahil ang helmet ay nasa siko” ani Mayor Leyble. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.