13 Sugatan sa Karambola ng 3 Sasakyan

LABING-TATLONG SAKAY ng isang pampasaherong jeep ang nasugatan matapos ang karambola ng tatlong sasakyan sa Tandang Sora kanto ng Commonwealth Avenue kahapon.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nabangga ng isang bus ng Hilltop Tours ang jeep malapit sa intersection at sa lakas ng impact nito ay nadamay pati ang nasa unahang tricycle.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Rescue Team na dinala na sa ospital ang mga biktima na pawang nagtamo ng sugat at bukol.

Samantala, nagdulot naman ng pagbibigat sa trapiko ang insidente.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang may kasalanan sa karambola ng tatlong sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.