13 sa 20 Pinabababa sa Puwesto, Nagsumite na ng SOCE

LABINTATLONG MAMBABATAS ang nagsumite na ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) nitong nakaraang halalan kasunod ng kautusan ng Commission on Elections (Comelec).
Una nang inirekomenda ng poll body na pababain sa puwesto ang 20 mambabatas na nabigong maghain ng kanilang SOCE.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na pito sa mga nagsumiteng mambabatas ang nagbayad ng multa na aabot sa P8,000 bawat isa.
Ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inihahanda na nila ang isusumiteng compliance report sa DILG kasunod ng pagtugon ng mga kongresista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.