13 Pulis sa Atimonan incident, ‘di tutulungan ng PNP

WALA MAASAHANG anumang tulong legal mula sa Philippine National Police (PNP) ang 13 police personnel na nahaharap sa kasong Multiple Murder kaugnay sa tinaguriang Atimonan shooting incident.

Sa pahayag ni PNP spokesperson S/Supt. Wilben Mayor, malinaw na hindi “service related” o may kaugnayan sa kanilang trabaho ang ginawa ng mga akusado.

Naghahanda na ngayon ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest laban sa mga suspek.

Una nang inilabas noong nakaraang linggo ni Judge Chona Fulgar Navarro ang arrest warrant laban sa mga kinasuhan, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Base sa 43 pahinang resolusyon na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, kabilang sa mga sinampahan ng kasong Multiple Murder sina: Supt. Hansel Marantan; Supt. Ramon Balauag, C/Insp. Grant Gollod; S/Insp. John Paolo Carracedo; S/Insp. Timoteo Orig; SPO3 Joselito De Guzman; SPO1 Carlo Cataquiz; SPO1 Arturo Sarmiento; PO3 Eduardo Oronan; PO2 Nelson Indal; PO2 Al Bhazar Jailani; PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento alyas Rodel Tolentino.

Samantala, Obstruction of Justice naman ang isinampa laban kina Police S/Insp. John Paolo Carracedo at sa Army officer na si Lt. Rico Tagure.

Inabsuwelto naman ng Department of Justice sa kasong Multiple Murder sina C/Supt. James Andres Melad at mga kawani ng Philippine Army na sina Lt. Col. Monico Abang, Capt. Erwin Macalinao, Lt. Rico Tagure, Corporal Rogelio Tejares, Private First Class Ricky Jay Borja, Private First Class Michael Franco, Private First Class Gil Gallego, Private First Class Melvin Lumalang, Private First Class Alvin Roque Pabon, Private Emergin Barrete at Private Marc Zaldy Docdoc.

Habang absuwelto rin sa Obstruction of Justice ang mga tauhan ng PNP-Quezon Crime Laboratory.

Matatandaang 13 katao ang namatay nang harangin ng grupo ni Marantan sa isang checkpoint sa Atimonan, Quezon ang dalawang SUV kabilang na ang sinasabing Jueteng lord na si Vic Siman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.