13 Patay sa Landslide sa Leyte

UMAKYAT NA sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa isang geothermal plant sa Kananga, Leyte noong Biyernes, Marso 1.

Magkakatabing nahukay ang mga bangkay nina Danilo Mabuti, Salvador Lascanas Jr., Romeo Eleazar at Alfredo Arabe.

Pawang mga natitirang saplot sa katawan at ID ang pagkakakilanlan sa mga biktima na unti-unti nang naaagnas.

Isa pang bangkay ng lalaki ang nahukay sa nasabing lugar ngunit wala pa rin itong pagkakakilanlan.

Biyernes ng umaga nang gumuho ang bahagi ng lupa kasabay ang pagbagsak ng isang tubo na may sukat na aabot sa 36 inches ang diameter.

Nabali umano ang tubo at ang laman na mainit na tubig ang tumilapon sa mga trabahador dahilan para malapnos ang kanilang balat.

Kinilala naman ang iba pang namatay na sina Joel Milay, Bonifacio Polinio, Billy Avilla, Edgardo Cabarsi Sr., Marlon Buanhog at Etchild de La Cerna.

Samantala, sinasabing ang tuluy-tuloy na pag-ulan ang dahilan ng pagguho ng lupa sa naturang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.