13 patay; 50 sugatan sa semana santa

UMABOT SA 13 ang bilang ng mga nasawi habang nasa 50 ang nasugatan at dalawa naman ang nawawala sa mga aksidenteng naganap sa kasagsagan ng Semana Santa.

Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pito sa mga nasawi ay nalunod, 3 ang namatay sa sunog, isa ang maritime incident at dalawa ang sa vehicular accident.

Sa 50 katao na nasaktan, 49 dito ay mula sa aksidente sa lansangan.

Sa ngayon, umabot naman sa 1,181,048 na mga pasahero ang tumungo ng mga lalawigan sa nakaraang Semana Santa.

Nakaalerto pa rin ang NDRRMC lalo’t inaasahang ngayon ay pabalik na sa Metro Manila ang mga bakasyunista matapos ang Semana Santa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “13 patay; 50 sugatan sa semana santa

  1. Where in the bible you can find the word “semana santa”? when will you learn to read and heed the commandments?
    DEUTERONOMY 5:7
     Thou shalt have none other gods before me.  
     Thou shalt not make thee any graven image,  or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the waters beneath the earth: 

Leave a Reply

Your email address will not be published.