13 Opisyal ng DBP, Ipinasisibak ng Ombudsman

 

IREKOMENDA NG Office of the Ombudsman ang pagsibak sa 13 opisyal ng Development Bank of the Phi-lippines (DBP) kaugnay sa maanomalyang P660-mil-yong pautang sa negosyanteng si Roberto Ongpin ng Delta Ventures Resources Inc. (DVRI) noong 2009.

Sa 54-na-pahinang desisyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, mayroong administrative liability sina dating director Benedicto Ernesto Bitonio Jr., Alexander Magno, Renato Velasco, at Franklin Velarde.

Sinibak din sina dating Senior Executive Vice President (SEVP) & Chief Opera-ting Officer Edgardo Garcia; dating SEVP & Marketing Head of the Brach Banking Sector (BBS) Jesus Guevarra II; dating VP & Head of Regional Marketing Center-Metro Manila (RMC-MM) Crescencia Bundoc; BBS Manager for RMC-Western Luzon Arturo Baliton; RMC-WL Chief Accounts Management specialist Nelson Macatlang; RMC-MM Assistant Manager Marissa  Cayetano; dating AVP Teresita Tolentino; RMC-MM Assistant Manager Rodolfo Cerezo; at RMC-MM Assis-tant Manager Warren de Guzman.

Liban sa pagkakatanggal sa puwesto, ipinakakansela rin ng Ombudsman ang eligibility ng mga nabanggit para makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno maging ang pagtanggap ng mga ito sa kanilang retirement benefits.

Absuwelto naman sa kaso sina dating DBP President & Vice-Chairman Reynaldo David; dating DBP Chairman Patricia Sto. Tomas; dating Directors Joseph Donato Pangilinan, Miguel Romero, Floro Oliveros, at Ramon Durano; dating SEVP & Head of Marketing Sector Armando Samia; dating SEVP Rolando Geronimo; at dating Senior Assistant Vice Pre-sident (SAVP) Perla Soleta dahil wala na umano sila sa DBP nang magsimulang umusad ang kaso.

Gayunman, may hiwalay na graft charges ang nakahain sa Sandiganbayan laban sa mga naabsuwelto.

Ayon sa Ombudsman, maanomalya ang pagpapautang ng DBP kay Ongpin dahil under-collateralized at undercapitalized ito.

Pinagkalooban umano ng DBP ng dawalang loan facility ang Delta Ventures Resources Inc. (DVRI) noong 2009, na kapwa behest loan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.