13 magsasaka, kulong sa gagamba

ARESTADO ANG 13 katao nang maaktuhang nagsusugal ang mga ito gamit ang gagamba nitong nakalipas na Black Saturday sa lalawigan ng General Santos.

Sa ulat na natanggap mula sa Makar PNP sa kay PNP Spokesman Chief Superintendent Agrimiro, 26 na gagamba kabilang ang mga posporong ginawang sisidlan ng mga gagamba ang nakumpiska sa mga residente ng tatlong sitio sa Barangay Fatima, Makar, GenSan.

Kasong illegal gambling ang kakaharapin ng labing tatlong residente ng Fatima na pare-parehong magsasaka.

Ang pagkakadakip sa mga sugarol na residente ng Fatima ay kaugnay sa kampanya ng kapulisan sa nasabing lugar na puksain ang talamak na ilegal na sugal sa GenSan.

Na ang isa nga sa pinakamaraming naitatalang iligal ay ang pakikipagsabungan ng mga gagamba.

Sinasabing umaabot sa limampung piso ang pinakamababa hanggang libong piso naman ang pinakamataas sa pustahan sa sabong ng mga gagamba.        (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “13 magsasaka, kulong sa gagamba

Leave a Reply

Your email address will not be published.