13 KATAO, PATAY SA BAHA

UMAKYAT NA SA 13 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha dulot ng walang tigil na buhos ng ulan sa walong rehiyon sa bansa.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga nasawi ang nagmula sa mga lalawigan ng Southern Leyte, Albay, Lanao del Norte, at Compostela Valley.

Sinabi naman ni Office of Civil Defense Administrator Benito Ramos na limang katao ang nawawala.
Kabilang dito ang dalawa sa Agusan del Sur; dalawa sa Agusan del Norte at isa sa Southern Leyte.
Nasa halos 38,000 pamilya naman ang apektado ng pagbaha dahil sa pag-ulan sa mga Region 4B, 5, 7, 8, 10, 11, ARMM at CARAGA. Mula ang mga ito sa 252 barangays sa 43 munisipalidad at apat na lungsod sa 12 lalawigan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.