13 Hudas na mga Holdaper, Dakip

NADAKIP NG mga pulis ang 13 Hudas na mga holdaper matapos inguso ang pinagkukutaan sa Malabon City at Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis kung saan nagkukuta ang mga suspek na naging dahilan upang magsagawa ng operation sa Mangostan, Potrero ng lungsod.

Nadakip ng mga pulis sina Michael Sadio, 27; Dante Sabijon, 43; Darel Sabijon, 18; Jaypee Aguallo, 28; Jefferson Velarde, 23; at Michael Ablaza, 37 pawang ng nasabing lugar.

Nakuha sa mga nadakip .9mm na baril, mga bala, paltik, sumpak at mga patalim na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Sa isinagawang pagtatanong sa mga nadakip, itinuro ng mga ito kung saan nagkukuta ang iba pang mga kasamahan kung kaya agad na sinunod ang pagsalakay sa Asuncion St., Morning Breeze Subd., sa Caloocan City.

Nasakote naman ng mga pulis sina Nestor Matchuca, 27; Randy Pomida, 27; Alex Villa, 33; Allan Yumul, 35; Gerald Doctor, 23; Jimbo Malit, 33; at Joselito Pagulayan, 32 pawang ng nasabing lungsod.

Nakuha sa mga ito ang dalawang kalibre .45, sumpak at kalibre .38 at mga bala.

Pinuri naman ni Chief Supt. Joel Ma. Alvarez, Director ng Northern Police District sa mga kanyang mga tauhan na nagsagawa ng operation at mababawasan ang kaso ng mga holdapan lalo na sa Monumento, Caloocan City na napasama sa mga lugar na mapanganib sa Metro Manila, dahil sa pagkakadakip sa mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.