13 Chinese; 4 na Taiwanese, Arestado Dahil sa Ilegal na Operasyon

LABING-PITONG FOREIGNERS ang natimbog matapos ang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Barangay 180, North Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa bisa ng isang search warrant, inaresto ang 13 Chinese at apat na Taiwanese na isinasangkot sa umano’y ilegal na operasyon.

Nakumpiska sa lugar ang mga landline, radyo at mga laptop computers na ayon sa mga operatiba ay ginagamit sa isang large-scale na operasyon, kung saan nagpapanggap ang mga suspek na mga awtoridad para makapangulimbat ng pera sa China at Taiwan.

Nahaharap ang 17 sa kasong paglabag sa RA 8484 o Access Devices Regulation Act.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.