13 Chinese, 1 pa arestado sa illegal mining

KALABOSO ANG 13 Chinese at isang Pinoy na sangkot sa pagpapatakbo ng illegal mining sa Barangay Himagtocon, Lagonoy, Camarines Norte.

Sa ulat, alas-3 ng hapon nang maaresto ng pinagsanib ng Philippine National Police (PNP) at Sagip Kalikasan ang mga suspek sa kanilang tanggapan.

Nag-ugat ang pagkaaresto sa mga suspek nang ireklamo ng mga residente ng barangay na gumagamit din umano ng mga pampasabog ang mga suspek.

Ayon kay Sr. Insp. Ariel Blanco ng Lagonoy PNP, umabot sa 500 piraso ng mga pampasabog ang narekober sa chromite site.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives at Illegal Mining ang mga suspek.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.