13-anyos, sinaksak ng 1 sa 6 na suspek

AGAW-BUHAY SA pagamutan ang isang 13-anyos na batang lalaki makaraang saksakin ng isa sa anim na kabataan na pinaniniwalaang kalabang grupo ng biktima habang ang biktima ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center sanhi ng isang malalim na tama ng saksak sa likod ang biktimang si Jayvan Domingo, 13, estudyante ng Tala High school, at residente ng Phase 7, Package 5, Block 95, Lot 10, Brgy. 176, Bagong Silang nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang pi-naghahanap ng mga awtoridad ang mga may kagagawan ng pananaksak sa biktima sa pangunguna ng isang alayas “Regie”.

Ayon sa ulat ni SPO1Ronald B. Nanola, ng Caloocan PNP at may hawak ng kaso, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Main Road, Kanlaun. Phase 2, Brgy 176.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar kasama ang dalawang kaibigan na sina Billy at Michael nang biglang dumating ang mga suspek na kinabibilangan ni Regie.

Kaagad na inundayan ng saksak ng isa sa mga suspek ang biktima sa likod at saka mabilis na nagsitakas ang mga salarin dala-dala ang ginamit na patalim.

Kaagad namang dinala nina Billy at Michael ang biktima sa Dr. Jose Rodriguez Memorial hospital subalit agad na inilipat sa EAMC dahil sa malubhang tama ng saksak.

May paniwala ang mga awtoridad na kalabang grupo ng biktima ang nagtangka sa kanyang buhay.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.