13-Anyos, Patay sa Hataw ng Kawayan

BLANGKO ANG mga kinauukulan kung sino ang pumatay sa isang menor de edad sa Camarines Sur sa pamamagitan ng pagpalo ng kawayan.

Kinilala ang biktima na si Arvin Nueva, 13, ng Barangay Tambo, bayan ng Pamplona.

Base sa impormasyon, natagpuan na lamang na walang malay ang biktima malapit sa isang babuyan sa Barangay Poblacion at naliligo sa sariling dugo.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima na binawian din ng buhay matapos ang limang oras na pagkaka-comatose.

Ayuon kay P/Insp. Samuel Alforte, chief of police ng PNP Pamplona, isang kawayan ang ipinalo sa ulo, noo at batok ng biktima.

Posible umanong sinundan si Arvin matapos ang pagtitinda nito ng banana cue sa kanilang barangay.

Samantala, umaasa naman ang mga awtoridad na makakakita pa ng mga ebidensiya para matukoy ang suspek dahil hindi umano maga-gamit ang finger prints at dugo sa kawayang ginamit sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.