13-Anyos na May Sayad, Hinalay ng Pinsan

HUSTISYA ANG hanap ng isang ginang sa Naga City matapos umanong pagsamantalahan ng 18-anyos na pamangkin ang kanyang 13 taong gulang na anak.

Base sa impormasyon, Setyembre noong nakaraang taon pa nang simulan umanong gahasain ang biktimang itinago sa pangalang “Nene” ng salarin na nagngangalang Marvin.

Ayon sa ina ng biktima, nagtaka siya nang makitang laging nakatulala ang anak na isang mentally-challenged.

Mismong ang isang pinsan pa ng biktima ang umano’y nagsumbong sa ina ni Nene hinggil sa umano’y pambababoy rito.

Sinabi pa ng ina ng biktima na nakatatanggap umano sila ng banta mula sa panig ni Marvin kaya’t nais nilang maaksyunan agad ng PNP ang naturang kaso.

Nabatid naman na ang suspek ay pamangkin ng ama ni Nene.

Samantala, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya habang patuloy na nakalalaya ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.