13-anyos na may problema sa pag-iisip, sinaksak ng mga kalaro

NAGTAMO NG pitong tama ng saksak at pasa sa katawan ang isang 13-anyos na dalagita sa Camarines Sur na manonood lang sana ng TV sa kapitbahay matapos mapagtripan ng kanyang mga kalaro. Kinilala ang nasabing biktima sa pangalang “Buninay” sa bayan ng Libmanan.

Ayon sa pahayag ni PO2 Ritchie Oliver, imbestigador ng PNP Libmanan Women’s and Children’s Protection Desk, sinabi nitong tatlong kalalakihan ang pilit na itinuturo ng biktima na nasa likod ng krimen.

Aniya, mahilig lumabas ng gabi ang dalagita at nagkataong manonood lang sana ng TV nang harangin ito ng mga suspek na pawang mga menor de edad at pinag-uundayan ng saksak at pinagbubugbog.

Napag-alaman ding ang biktima ay may problema sa pag-iisip.

Nananatili pa sa pagamutan ang menor de edad na umano’y hindi pa gaanong makausap dahil sa trauma na dala ng nangyaring insidente.

Hawak naman ng PNP ang itak na ginamit sa krimen habang handa umano nilang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.