13-Anyos, Na-Gang Rape ng 7 Kaeskuwela

KAAWA-AWA ANG sinapit ng isang 13-anyos na batang babae na pinagtulungang halayin ng pitong schoolmate nito kabilang ang kanyang kaklase sa Sarangani Province.

Sinabi ni SPO1 Randy Manalo ng Glan-PNP na humingi ng saklolo ang ina ng biktima matapos na ma-trauma ang anak at magtamo ng sugat sa katawan kaya’t dinala sa ospital.

Sa nasabing pagamutan nadiskubre na naging biktima pala ito ng panggagahasa.

Hindi na naikuwento ng biktima kung saan naganap ang panghahalay habang nasa pangangalaga na ito ng Women and Children’s Desk ng Glan-PNP.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na posibleng kilala ng biktima.

Samantala, ayaw nang pumasok sa eskuwelahan ng nasabing bata dahil sa nangyaring kababuyan sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.