13-anyos na dalagita, minolestiya ng manyak na kapitbahay

 

SWAK SA KULUNGAN ang isang driver makaraang ireklamo ito ng pangmomolestiya ng isang 13-anyos na dalagita nang pasukin ng una ang huli sa kanyang silid kahapon ng ma-daling-araw sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek na si Arturo Cedones, 41, driver, ng Blk. 11, Lot 24, Tulya St., Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Sa reklamo ng biktimang si Josephine (‘di tunay na pangalan), 13, himbing siyang natutulog nang maramdaman niyang may humihimas sa maseselang bahagi ng kanyang katawan at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita nito ang suspek na nakakubabaw sa kanyang harapan.

Dito, nagsisigaw si Josephine at humingi ng tulong habang mabilis namang tumakas ang suspek na dumaan sa bintana.

Subalit hindi ito nakaligtas sa mga rumespondeng barangay tanod at agad na binitbit sa nasabing himpilan ng pulisya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.