13-Anyos na Dalagita, Minanyak ng DI

 

KULUNGAN ANG kinasadlakan ng isang dance instructor makaraang ireklamo ng pangmomolestiya ng isang 13-anyos na dalagita sa loob ng Mc Arthur’s Court Hotel sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni P/Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Alfredo Borhilla, 31, single, dance and music instructor, at residente ng 671 Dazo St. Brgy. Calvario, ng lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Supt. Hector Samar, habang nasa isang mall ang biktimang itinago sa pangalang ‘Ruffa’, 13-anyos, estudyante, at residente ng NMTL, Blk 10, Lot 1, Hulo St., Brgy. Bagbaguin, ng lungsod, biglang nag-text sa kanya ang suspek na susunduin siya nito.

Agad umanong pumayag ang dalagita sa paanyaya ng binata dahil sa tiwala. Nakisuyo ito via text at sinabing “Samahan mo ako sa bahay ng ka-banda ko, at agad ring sumagot ang binata na “Susunduin kita nga-yon nasaan ka ba?” gamit ang motorsiklo.

Nabatid na sa halip na siya’y dalhin sa bahay ng kanyang ka-banda, sa isang motel siya binitbit ng suspek, kung saan siya ay pinaghahalikan at nilamutak na animo’y harina ang buong nitong katawan.

Makaraan ang ilang minuto dahil sa pagod ng suspek, nakakuha naman ng pagkakataon ang biktima na makapag-text sa kanyang nanay at nagsumbong na dinala siya sa isang hotel ng kanyang  dance instructor.

Agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad ang ina dahilan upang madakip ang suspek, kung saan detenido nga-yon  sa Meycauayan City Jail sa kasong Simple Seduction in relation to RA 7610. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.