13-anyos na dalagita, ibinugaw ng sariling ina

 

ISANG 13-ANYOS na dalagita ang mistulang pinagkanulo ng kanyang biological mother matapos itong ibugaw at ipagahasa sa kasamang lalaki sa Brgy. Sta. Rosa I, Marilao, Bulacan nito lamang nakaraang Martes.

Sa report na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., Bulacan Police director, kinilala ang suspek na si Theresa Evangelista, 41, jobless, residente ng Justino Cruz, Looban, Brgy. Poblacion, samantalang itinago naman ang biktima sa pangalang ‘Ruvy’,  13 anyos, dalaga, ng Foster St., Brgy. Prenza I, Marilao, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, makalipas umano ang siyam na taong hindi pagkikita ng mag-ina, bigla na lang pinuntahan ng suspek ang anak habang nakatayo sa harap ng Divine Mercy Shrine Church sa Brgy. Sta. Rosa. Sa salaysay ng dalagita, nilapitan siya ng kanyang ina at niyaya na sumama sa kanya ,subalit tinanggihan naman ng una at akmang aalis na ito nang isang kasamang lalaki ang nagtakip ng puting panyo sa kanyang mukha na labis niyang ikinahilo.

Aniya bumalik na lang ang kanyang malay nang maramdaman nito na mahapdi at masakit ang kanyang ari at ibang kulay ng panty na suot nito.

Kinabukasan, nagawang makatakas ng biktima sa kuwartong pinagdalhan sa kanya nang maiwan ng mga suspek na bukas ang pinto at agad na nakahingi ng tulong sa mga nakatambay.

Agad na ini-report ang nangyaring insidente kay Brgy.Kagawad Cipriano Dela Cruz, na siya namang umaresto sa suspek.

Nasa kustodiya na ng Marilao Police ang suspek at nakatakdang kasuhan ng Rape in relation to RA 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.