13-anyos na dalagita, dinaliri ng ama

SWAK SA KULUNGAN ang isang ama ng tahanan matapos nitong daliriin ang sari-ling anak habang natutulog kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 sa tanggapan ng Malabon-Navotas Pro-secutor’s Office ang suspek na si Rolando Arconado, 43, may-asawa, technician ng North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City.

Sinamahan naman ng kanyang ina ang biktimang si Rosa (di-tunay na pangalan), 13, ng nasabing lugar sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD)-Navotas Police upang pormal na magsampa ng kaso laban sa kanyang asawa (suspek).

Sa ulat na nakarating kay P03 Arlene Alvero, hepe ng WCPD-Navotas Police, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang pagsamantalahan ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Rosa, himbing siyang natutulog sa kanilang silid nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang ari at parang may tumutusok.

“Nagising po ako, pagdilat ng aking mata ay nakita ko si Papa (suspek) at tinakpan niya ang bibig ko ‘wag raw po akong maingay at ipinasok niya ang kanyang daliri sa ari ko,” ani pa ng biktima.

At nang makaraos ang suspek ay parang walang nangyaring iniwan nito ang anak sa silid.

Hindi naman natakot ang biktima sa ama at sinabi nito sa ina ang ginawang kababu-yan ng suspek.

Agad namang nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang nanay at isinuplong sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip kay Arconado.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “13-anyos na dalagita, dinaliri ng ama

Leave a Reply

Your email address will not be published.