1,240 empleyado ng Navotas, tatanggap ng mid-year bonus

BILANG PAGHAHANDA SA nalalapit na pagbubukas ng klase, maagang matatanggap ng may 1,240 empleyado ng Navotas City hall ang kanilang mid-year bonus.

Ito’y matapos ianunsiyo ni Navotas Mayor John Rey Tiancgo sa mga tanggapan sa agarang pagbibigay ng mid-year bonus sa lahat ng empleyado ng nasabing pamahalaang lungsod at ihanda na rin ang mga vouchers, payrolls at mga mahahalagang dokumento, upang mapabilis ang paglabas ng budget ng lungsod.

“We want to help our city hall employees to avoid the school opening rush and to cope with the expected increase in the prices of school supplies as the school opening draw near,” ani pa ni Tiangco.

Ang matatanggap na bonus ng mga empleyado ay katumbas ng kalahating buwan suweldo samantalang makukuha rin ang 50 porsiyento sa kanilang taunang bonus na ibinibigay.

Inatasan na rin ng alkalde ang Navotas police na paghandaan ang “Balik Eskuwela 2011” program na siyang sinasamantala ng mga kriminal. Ganu’n din ang tanggapan ng City Engineering office, na linisin ang lahat ng mga kanal at kakalsadahan para maiwasan ang pagtaas ng tubig-baha sa panahon ng tag-ulan.

At para makaiwas din ang mga estudyante sa anumang sakit, magsasagawa na rin ng fogging operation sa lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lungsod at upang makasiguro na ligtas sa sakit, bumuo na rin ng Barangay Anti-Dengue Team na magmo-monitor at makikipag-koordinasyon sa 14 na barangay. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.